4 na 'tirador' ng riles, timbog

MANILA, Philippines - Arestado ang apat na lalaki matapos mahulihan ng mga putol-putol na riles ng tren sa Caloocan City kama­kalawa.

Kinilala ang mga nadakip na sina Bernardo Carpio, 40; Arturo Costorio, 41; Joselito Esparago, 36 at Leo Dela Cruz, 38 pawang taga-Ma­nuguit, Tondo, Manila.

Ayon sa ulat, unang naka­tanggap ng sumbong ang pulisya mula sa Philippine National­ Railway (PNR) tung­kol sa pagkawala ng kanilang mga riles sa Manuguit na sina­sabing ibinabagsak at ibine­benta sa Caloocan City .

Natunton ng mga pulis ang mga suspek sa Josepina st., 4th Avenue, Caloocan City na dito naaktuhan ang mga ito habang bitbit ang pirapirasong mga bakal na bahagi ng riles ng tren kung kaya agad nang sinunggaban ang mga ito.

Binanggit pa na ang mga nadakip ang siyang respon­sable sa pagkasira ng mga riles ng tren ng PNR. Bine­benta ang mga bakal sa kontak nilang mga negos­yante. (Lordeth Bonilla)


Show comments