4 na 'tirador' ng riles, timbog
MANILA, Philippines - Arestado ang apat na lalaki matapos mahulihan ng mga putol-putol na riles ng tren sa Caloocan City kamakalawa.
Kinilala ang mga nadakip na sina Bernardo Carpio, 40; Arturo Costorio, 41; Joselito Esparago, 36 at Leo Dela Cruz, 38 pawang taga-Manuguit, Tondo, Manila.
Ayon sa ulat, unang nakatanggap ng sumbong ang pulisya mula sa Philippine National Railway (PNR) tungkol sa pagkawala ng kanilang mga riles sa Manuguit na sinasabing ibinabagsak at ibinebenta sa Caloocan City .
Natunton ng mga pulis ang mga suspek sa Josepina st., 4th Avenue, Caloocan City na dito naaktuhan ang mga ito habang bitbit ang pirapirasong mga bakal na bahagi ng riles ng tren kung kaya agad nang sinunggaban ang mga ito.
Binanggit pa na ang mga nadakip ang siyang responsable sa pagkasira ng mga riles ng tren ng PNR. Binebenta ang mga bakal sa kontak nilang mga negosyante. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending