Police niratrat ng riding in tandem

MANILA, Philippines - Nasa bingit ng kama­tayan ngayon ang isang pulis matapos na pagbabarilin ng isa sa dalawang holdaper na riding in tandem maka­raang tangkain ng una na hulihin ang mga ito dahil sa paglabag sa batas trapiko dito, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si PO2 Dennis Quejada, mi­yem­­bro ng motorcycle unit ng DTEU-QCPD Camp Kari­ngal Sikatuna Village sa lungsod.

Siya ay nagtamo ng anim na tama ng bala sa ulo, kata­wan at tiyan at nga­yon ay nasa kritikal na kondisyon.

Sa ulat ni PO2 Tom Su­bida, ng Criminal Investigation Unit, nangyari ang insi­dente sa may kahabaan ng Edsa corner Fema Road, Brgy. Bahay Toro ganap na alas-7 ng gabi.

Ayon sa saksing si Juan­son Dooc, sakay ng isang motorsiklo ang biktima pa­tungo sa bahay nito sa Ca­loocan City nang mapuna nito ang dalawang kalalaki­hang sakay rin ng isang motorsiklo na nag-counter flow.

Dahil lumabag sa batas trapiko, nagpasya ang bik­tima na noon ay naka-police uniform na parahin ang mga suspek, para siyasatin.

Subalit, isa sa mga sus­pek ang bumaba sa kani­lang sina­sakyan at biglang nag­bunot ng baril saka pinag­babaril ang biktima.

Nang bumuwal ang bik­tima ay nilapitan pa ito ng suspek at kinuha ang kan­yang service firearm bago tulu­yang tumakas.

Nakita naman ang bik­tima ng isang Raymund Valdez, driver ng jeepney at agad na pumara ito ng taxi saka itinakbo ang sugatang biktima sa naturang ospital kung saan ito ngayon ino­obserbahan.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang buong QCPD laban sa mga suspek na pinaniniwalaang sangkot sa serye ng robbery holdup sa lugar.


Show comments