EDSA permit ng jeepney pinababawi

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng Metro­politan Manila Development Authority sa Land Transpor­tation Franchising and Re­gulatory Board na bawiin na ang permit ng mga pampa­saherong jeep na bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue upang mapaluwag ang daloy ng trapiko rito.

Nabatid kay MMDA Exe­cu­tive Director Angelito Vergel De Dios na binigyan noon ng LTFRB ng permits ang mga jeep na makaruta sa EDSA habang ginagawa pa ang mga kalsada na regular nilang ruta base sa prangkisa na nakuha nila. Ngunit dahil sa gawa na umano ang mga kalsadang ito, nararapat na hindi na bu­miyahe ang mga jeep sa ka­ha­baan ng EDSA. (Danilo Garcia)


Show comments