^

Metro

Buntis natagpuang patay

-

MANILA, Philippines - Isang walong-buwang buntis na overseas Filipino worker ang natagpuang walang buhay matapos na mananghalian sa kanilang bahay sa Bagong Silangan, Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ang biktima na natagpuan na lamang nakahiga sa kan­yang kama at wala nang buhay ay kinilalang si Winda Alcaraz, 25, may-asawa, ng Block 5, L-35 Humanity Village, Bagong Silangan.

Ayon kay Romeo Monte­nolla, barangay tanod sa lugar, pasado alas-6 ng gabi kamakalawa nang ireport sa kanila ang insidente ng ka­anak ng biktima kung saan bumubula umano ang bibig nito nang matagpuang walang buhay. Namatay din ang sang­gol sa sinapupunan nito. (Ricky Tulipat)


vuukle comment

AYON

BAGONG SILANGAN

HUMANITY VILLAGE

ISANG

NAMATAY

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

ROMEO MONTE

SHY

WINDA ALCARAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with