Fetus inilibing bago itinawag

MANILA, Philippines - Kasalukuyang palaisi­pan sa mga awtoridad ang isang misteryosang babae na tumawag pa sa tele­pono para ipaalam na meron siyang inilibing na fetus sa palaruan ng San Sebastian Health Center sa Plaza del Carmen, Bilibid Viejo, Quiapo, Manila ka­hapon ng madaling-araw.

Natanggap ng mga tanod ng Barangay 390 Zone 40 District 3 na sina Felino Baligod at Renato Madrigal ang tawag ng babae na nagsabing ini­libing nito ang fetus sa tabi ng isang halamanan sa naturang palaruan bago naputol ang linya.

Dahil dito, pinuntahan ng mga tanod ang lugar at nahukay nila ang fetus na lalaki na may tatlo hang­gang apat-na-buwang gu­lang ang edad at nakasilid sa asul na plastic bag. (Ludy Bermudo)


Show comments