^

Metro

Long hair at de hikaw sa City hall minamatyagan

-

MANILA, Philippines - Muli na namang du­mami ang mga empleya­dong lalaki ng Manila City hall na ma­hahaba ang bu­hok at nag­susuot ng hikaw na una nang ipinagbawal gayundin ang pagtatambay sa isang mall malapit dito.

Ayon kay Deputy Mayor Joey Silva, dapat nang bigyan ng kaparusahan ang mga empleyadong ito na nagpapabaya lamang sa kanilang mga trabaho.

Aniya, mahigpit na niyang pinagbawal noon ang paghihikaw ng mga lalaki at pagkakaroon ng mahabang buhok dahil hindi angkop sa kanila na nagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Bukod dito, napansin din ni Silva na pakonti nang pakonti ang duma­dalo ng flag ceremony tuwing Lunes. Aniya, dapat ay alam ng mga empleya­dong ito ang kanilang tung­kulin at pag­bibigay respeto sa bayan.

Idinagdag pa ni Silva na pinapakuha niya sa mga hepe ng iba’t ibang tang­gapan ng city hall ang  pangalan ng empleyado na nagsusuot ng hikaw, ma­hahaba ang buhok at hindi dumadalo sa flag cere­mony upang mabigyan ng karampatang parusa. (Doris M. Franche)

ANIYA

AYON

BUKOD

DEPUTY MAYOR JOEY SILVA

DORIS M

FRANCHE

IDINAGDAG

MANILA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with