^

Metro

Tanod nahagip ng killer bus, todas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Lasog ang buong kata­wan ng isang barangay tanod na ikinasawi nito makaraang mahagip ng isa sa dalawang nagbang­gaang sasakyan sa West Fairview, Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Sr. Insp. Maximo Sabio, hepe ng Traffic Sector 5, ang bik­tima na si Nerio Royales, 57, may-asawa at naka­tira sa Sitio Tibagan, West Fairview.

Ayon kay Sabio, si Ro­yales ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Far Eastern University Hospital dahil sa pagka­bagok ng kanyang ulo at pagkalasog ng kanyang katawan.

Kusa namang sumuko ang akusado na si Rey­nante Mangaoil, 31, driver ng Lekstar bus.

Sinabi ni Mangaoil na, pagdating ng kanyang mi­na­manehong bus sa Dahlia St., West Fairview, bigla na lamang sumulpot ang isang delivery close van.

Dahil dito, nasalpok ng bus ang close van na hindi naplakahan at dahil sa bilis ng takbo ay tumal­sik ang una hanggang sa mahagip nito ang nagro­ron­dang si Royales.

vuukle comment

DAHLIA ST.

FAR EASTERN UNIVERSITY HOSPITAL

MANGAOIL

MAXIMO SABIO

NERIO ROYALES

QUEZON CITY

SHY

SITIO TIBAGAN

WEST FAIRVIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with