^

Metro

Nainis sa ingay, tinodas

-

MANILA, Philippines - Nauwi sa kamatayan ng isang obrero ang pagbabawal niya sa malakas na murahan ng kanyang pinsang lalaki at asawa nito matapos na siya’y saksakin ng naturang pinsan sa lungsod ng Quezon kama­kalawa ng gabi.

Isang malalim na tama ng saksak sa likod ang tumapos sa buhay ng biktimang si Elbert delas Alas, 28, may-asawa at residente ng 36-F Sitio Maligaya, Brgy. Bahay Toro sa naturang lunsod.

Naaresto ng Barangay Po­lice Security Office ang sus­pek na si  Robert Dela Cruz, 26, pinsan ni Delas Alas ng na­sabi ring lugar.

Nauna rito, nagtatalo at malakas na nagsisigawan si Dela Cruz at ang kanyang live-in partner.

Naingayan si Delas Alas at pinagsabihan ang dalawa na hinaan lang ang kanilang usa­pan dahil natutulog ang siyam na buwang gulang niyang anak at baka magising.

Ngunit lalong nagalit si Dela Cruz at minura si DeLas Alas.

Nagkaenkuwentro ang magpinsan hanggang sa sak­sakin ng suspek ang biktima na ikinamatay nito. (Ricky Tulipat)


vuukle comment

BAHAY TORO

BARANGAY PO

BRGY

CRUZ

DELA CRUZ

DELAS ALAS

F SITIO MALIGAYA

RICKY TULIPAT

ROBERT DELA

SECURITY OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with