^

Metro

Canadian national patay sa shootout

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang Ca­na­dian National na umano’y consultant ng Na­tional Bureau of Investi­gation (NBI) matapos na umano’y makipag-palitan   ng putok ng baril sa mga operatiba ng Philippine Drug En­force­ment Agency (PDEA) kahapon ng ma­da­ling-araw sa Quezon City.

Kinilala ang nasawi base sa kanyang identi­fi­cation card na si Antonio L. Kcompt, nasa pagitan ng 30-35 anyos, at nanunulu­yan sa White Plains Subd., Quezon City.

Lumilitaw sa imbesti­gas­yon na nangyari ang engkuwentro pasado alas- 3:15 ng madaling-araw sa may Geraffe St., Brgy. Ugong Norte ng nasabing lungsod.

Bago nito, nagsagawa ng surveillance ang mga operatiba ng PDEA-Metro Manila Regional Office (MMRO) sa paligid ng Green Meadows, White Plains at Corinthian Gar­den bunga ng report na pag­kalat ng drogang cocaine at ecstacy dito.

Sinabi rin sa ulat na isang Toyota Altis na may plakang XEN-324 at isang Toyota Revo na may plakang ZSJ-127 ang may dala ng naturang droga.

Alas-3:13 ng madaling- araw ay namataan umano ng mga operatiba ng PDEA ang isang BMW na kulay silver na walang plaka papatawid ng Ge­raffe St. sa nasabing lugar kung kaya agad nila itong pinara.

Subalit sa halip na hu­minto ay binuksan umano ng Canadian National ang bintana at saka pinapu­tukan ang mga awtoridad. Dahil dito, agad na gu­manti ng putok ang mga operatiba at pinuntirya ang gulong ng BMW na naging dahilan para mawalan ito ng control at sumadsad sa isang bakanteng lote.

Sa kabila nito hindi pa rin umano tumigil ang da­yuhan at muling pinapu­tukan ang PDEA na nauwi sa palitan ng putok at mag­resulta sa kamatayan ng una.

Samantala, sa ulat ni PO3 Greg Maramag ng Ho­micide Section ng QCPD natanaw lang niya sa basag na salamin sa tabi ng drivers seat ang isang NBI Consultant Identification card, firearm license at permit to carry na nasa pangalan ni Kcompt, isang 9mm na baril at ilang pakete ng ecstacy at cocaine at ilang cash money.

Ayon pa sa QCPD hindi umano pinayagan ng PDEA ang mga im­ besti­ga­dor dito na maka­lapit at ma­ka­pag-imbes­tiga ma­ging ang SOCO team ay tu­manggi rin ang PDEA na galawin ang crime scene at ang mga ebidensiya dito.

Giit ng QCPD, kung may­­roong ahensiya na siyang may karapatang mag-imbestiga sa isang krimen partikular na ang ganitong kaso ay ang ho­micide sec­tion ng distrito hindi ang sangkot na ahensiya.

vuukle comment

ANTONIO L

BUREAU OF INVESTI

CANADIAN NATIONAL

CONSULTANT IDENTIFICATION

CORINTHIAN GAR

DRUG EN

ISANG

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with