^

Metro

Indian national kritikal sa holdap

-

MANILA, Philippines - Isang negosyanteng Indian national ang sinaksak at malub­hang nasugatan matapos na pumalag sa holdap kahapon ng umaga sa Caloocan City. Nasa kritikal na kondisyon sanhi ng saksak sa kaliwang bahagi ng katawan ang biktimang si Kulvin Dhutti Singh, 49, nanunuluyan sa A. Mabini St., Maypajo ng lung­sod na ito. Nadakip naman ang suspek na si Ronald Guanzon, 26, ng Libis Espina St., Caloocan City habang nakatakas naman ang isang hindi pa nakikilalang kasama nito. Ayon sa imbesti­gasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8 ng umaga sa kahabaan ng Sulib Alley, Dagat-Dagatan ng nabanggit na lugar. Nabatid na naniningil ng pautang ang biktima sa nabang­git na lugar nang bigla itong lapitan ng suspek at tutukan ng patalim at nag­deklara ng holdap. Pumalag ang biktima na naging dahilan upang saksakin ito ng suspek. Papatakas na sana ang suspek, ngunit nadakip si Guanzon ng mga nagrespon­deng pulis. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

DAGAT-DAGATAN

GUANZON

KULVIN DHUTTI SINGH

LIBIS ESPINA ST.

LORDETH BONILLA

MABINI ST.

RONALD GUANZON

SULIB ALLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with