^

Metro

British national sa puslit na diamond, ipapatapon ng Immigration

-

MANILA, Philippines - Ipinatatapon palabas ng bansa ni Immigration Commis­sioner Marcelino Libanan ang babaeng British national na umano’y sangkot sa pagpupuslit ng P500-milyon halaga ng mga diamonds at iba pang alahas sa bansa.

Ang kautusan ni Libanan ay bunsod sa pagtu-turned over ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) sa BI kay Alpha Kwok, isang Chinese-born Hong Kong British national.

Matatandaan na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng PASG at BI si Kwok sa kanyang condominium sa unit nito sa Ortigas Center, Pasig kung saan nakumpiska sa pag-iingat nito ang mataas na uri ng diamonds at mamahaling alahas.

Nilinaw naman ni BI Associate Commissioner Roy Almoro na habang hindi pa nade-deport si Kwok ay kakaharapin muna nito ang kasong kriminal dahil sa kasong smuggling. (Gemma Amargo-Garcia)

ALPHA KWOK

ASSOCIATE COMMISSIONER ROY ALMORO

GEMMA AMARGO-GARCIA

HONG KONG BRITISH

IMMIGRATION COMMIS

IPINATATAPON

KWOK

MARCELINO LIBANAN

ORTIGAS CENTER

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with