^

Metro

Pekeng NAPOLCOM employee tiklo sa entrapment

-

MANILA, Philippines - Inaresto sa entrapment ope­ration ng mga awtoridad ang isang ginang na nagpakila­lang empleyado ng National Police Commission (Napolcom) at nag-aalok ng pagpasa sa police entrance examinations kapalit ng malaking halaga.

Kinilala ni Superintendent Mar­celino Pedrozo, hepe ng District Police Intelligence Ope­rations Unit ng Quezon City Po­lice District (QCPD-DPIOU) ang suspek na si Lilia Ladyaalam, 52, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Pedrozo, si Lad­yaalam ay nadakip sa may loob ng Tropical Hut branch na mata­tagpuan sa Congressional Ave. sa EDSA, Quezon City, ganap na alas-7:30 ng gabi.

Dinakip ito matapos irek­lamo ng isang ginang na ayaw mag­ pabanggit ng pangalan na hini­ngan umano ng una ng P10,000 kapalit ang pa­nga­kong maipapasa nito sa exam ng Napolcom ang bagong grad­uate nitong anak sa kur­song cri­mi­nology sa darating na Oktubre.

Nagpakilala umano si Lad­yaalam na empleyado ng Na­pol­com at sinisiguro sa biktima na makakapasok sa Philippine National Police (PNP) ang anak kapalit ng halagang P25,000.

Ngunit nang siyasatin sa Napolcom, hindi kabilang sa em­pleyado nito ang suspect kayat humingi ng tulong ang mga biktima kay Pedroso para magsagawa ng entrapment laban sa suspect.

Samantala, nang abutin ng suspek ang halagang P10,000 na marked money sa biktima ay agad itong inaresto at dinala sa nasabing himpilan, para sa pagsasampa ng kaukulang kaso. (Ricky Tulipat)

CONGRESSIONAL AVE

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE OPE

LILIA LADYAALAM

NAPOLCOM

NATIONAL POLICE COMMISSION

PEDROZO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

QUEZON CITY PO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with