^

Metro

Amok patay sa bugbog

-

MANILA, Philippines - Namatay sa loob ng pagamutan ang isang 52-anyos na lalaki dahil sa matinding pinsalang natamo nito makaraang bugbugin ng tatlong construction worker matapos naman itong mag-amok at manghabol ng itak, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Armando Mando­lado, walang trabaho at huling nanirahan sa Tramo St., Brgy. 61 Zone 8, ng naturang lungsod.

Nadakip naman ang tatlong suspek na nakila­lang sina Joseph Arevalo, 40, foreman; Roger Badayos, 32; at kapatid na si Oliver Badayos, 22.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 kama­kalawa ng gabi nang matiyempuhan ng barangay tanod na si Ricardo Miguel ng Brgy. 67 Zone 8 ang tat­long suspek na pinagtu­tulungang bugbugin ang biktima na duguan at wala nang malay na naka­lugmok sa kalsada.

Agad namang inawat ng mga tanod ang mga suspek na nagresulta rin sa pagka­ kadakip ng mga ito. Nabatid naman na nagtamo ng taga ng itak sa kanang braso si Arevalo dulot umano sa nagwalang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinita ni Arevalo ang biktima na aali-aligid sa loob ng kanilang construction site sa P. Burgos.

Nang muling buma­lik, armado na ito ng itak ang biktima at nag-amok kung saan nahagip sa kanyang pananaga si Arevalo at nanghabol ng iba pang makitang tao.

Nakorner naman ng tatlo si Mandolado at nadis­armahan hanggang sa pagtulungang gulpi­hin ito sanhi ng kanyang kamatayan.

Dini­deter­mina na ngayon ng pulisya ang kasong kaka­harapin ng mga suspek base sa magiging pinal na resulta ng imbestigasyon. (Danilo Garcia)

AREVALO

ARMANDO MANDO

BRGY

DANILO GARCIA

JOSEPH AREVALO

OLIVER BADAYOS

PASAY CITY

RICARDO MIGUEL

ROGER BADAYOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with