Seguridad sa death anniversary ni Ninoy, ikinasa
MANILA, Philippines - Inihahanda na ng Southern Police District (SPD) ang preparasyon para sa pagbibigay seguridad sa darating na ika-26 na anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa darating na Biyernes.
Sinabi ni SPD Director, Chief Supt. Jaime Calungsod na nakatutok sila sa mga preparasyon sa Parañaque City kung saan nakahimlay ang labi ng dating Senador sa Manila Memorial Park at sa Makati City kung saan nakatirik naman ang rebulto nito.
Inatasan na nito ang kanyang mga opisyal na makipag-ugnayan sa pamilyang Aquino at sa mga organizer ng mga programa at aktibidad upang matiyak na maging matiwasay ang gaganaping okasyon. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending