^

Metro

Pagiging treasurer ni Endriga sa Quezon City, pinalawig pa

-

MANILA, Philippines - Pinalawig ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang serbisyo ni Dr. Victor Endriga bilang treasurer ng Lungsod Quezon.

Sa utos ni GMA, nilagdaan ni Executive Secretary Eduardo Ermita ang kautusan upang palawigin pa ang serbisyo ni Endriga hanggang Hunyo 30, 2010 base na rin sa kahilingan ni QC Mayor Sonny Belmonte.

Batay sa rekord, naabot ni Endriga ang kanyang Manda­tory Retirement na edad 65 noong 2008 subalit pinalawig ito ng dalawang anim na buwan o isang taon ni Belmonte kung saan magtatapos sana ito nitong nakalipas na Agosto 17, 2009.

Pero nagulat na lamang si Endriga nang sabihin ni Bel­monte na kinatigan ni GMA ang kanyang kahilingan na pala­wigin pa ito hanggang 2010 nang lumabas ang kautusan ni Ermita noong Agosto 14, 2009.

“Treasurer Endriga came with me at the start of my administration and will continue to serve the public until I bow out of office”, sabi ni Belmonte kasunod ng punto nito na ng dahil kay Endriga ay naging pinakamayamang lungsod ang Quezon City sa buong bansa.


AGOSTO

BELMONTE

DR. VICTOR ENDRIGA

ENDRIGA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

LUNGSOD QUEZON

MAYOR SONNY BELMONTE

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

QUEZON CITY

TREASURER ENDRIGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with