^

Metro

Bagitong pulis iginigisa

-

MANILA, Philippines - Kasalukuyang iniimbes­tigahan ng pulisya ang isang bagitong pulis na namaril at nakapatay sa isang 36-anyos na lalaki na umano’y tangka siyang tagain ng itak makaraang mabulahaw ito sa pagtulog dahil sa pag-iingay ng una kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Inaalam ngayon kung may pagkakasala si PO1 Julius Aldao, 34, na­ka­talaga sa Station 3 ng Quezon City Police District. Inimbitahan rin naman ng pulisya si Manuel Levita, 33-anyos, na kasama ni Aldao nang maganap ang pamamaril.

Nakilala ang nasawi na si Edwin Rodriguez, may-asawa, at naninirahan sa GSIS Subdivision, Brgy. 164. Nagtamo ito ng tat­long tama ng bala ng .9mm service firearm ni Aldao.

Nauna rito, sakay sina Aldao at Levita ng isang mo­torsiklo ngunit tumirik ma­karaang maubusan ng gasoline. Bumaba naman si Aldao at nagtungo sa bahay na katabi lamang ng tahanan ni Rodriguez na alam niyang nagbebenta ng tingi-tinging gasoline.

Maingay na kinatok ng pulis ang katabing bahay sanhi upang magising si Rodriguez. Galit na luma­bas ito at bitbit ang kan­yang itak upang sitahin ang nambubulahaw sa kan­yang pagtulog. Isang pag­tatalo ang naganap hang­gang sa umalingawngaw ang tatlong sunod na putok ng baril. (Danilo Garcia)

ALDAO

BRGY

BUMABA

CALOOCAN CITY

DANILO GARCIA

EDWIN RODRIGUEZ

JULIUS ALDAO

MANUEL LEVITA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with