^

Metro

21 ghost employees sa Manila City Hall hawak ng sindikato

-

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni Ric de Guz­man, Chief of Staff ng Manila City Hall, na hawak ng mga sindikato ang may   21 ghost employees na ginagamit ng dala­wang totoong empleyado ng pamaha­la­ang-lunsod kabilang na ang isang pay master na dinakip kamakalawa ng pinag­sanib na puwersa ng Manila Complaint Action Team at City Hall Action and Police Assistance ng Manila Police District. 

Pormal nang kinasuhan sa Manila Re­gional Trial Court ng Malversation of Public­ Funds, Swindling thru Falsification of Public­ Documents at Anti-Graft and Corrupt Practices Act sina Fritz Bores, 48, ng No. 52 Luzon St. Filipinas Village, Ma­landay, Marikina City, at Rodel Leyson, 41, nakatalaga sa Electronic Data Processing at nakatira sa San Jose del Monte, Bulacan. Ayon kay de Guzman, kasalu­kuyang tinutukoy ni Sr. Insp. Marcelo Reyes, hepe ng CHAPA, ang sindikato sa loob ng City Hall.

Nadiskubre ni Helen Navidad, Officer-in-charge ng Accounting and Procurement Division ang 21 ghost consultants nang hindi mag-tally ang budget na nakalaan sa mga consultant na nakarehistro sa Office of the Mayor.

Kasalukuyan din nilang inaalam kung sinu-sino ang nasa likod nito matapos na mabunyag na Enero 2008 pa nagsimula ang koleksiyon na umaabot sa P5,103,000 hanggang Hulyo 2009. (Doris Franche)

ACCOUNTING AND PROCUREMENT DIVISION

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

CHIEF OF STAFF

CITY HALL

CITY HALL ACTION AND POLICE ASSISTANCE

DORIS FRANCHE

ELECTRONIC DATA PROCESSING

FALSIFICATION OF PUBLIC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with