^

Metro

P0.50 dagdag sa pasahe hingi

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Hiniling ng grupong Pa­sang Masda sa Land Trans­portation, Franchising and Regulatory Board na dagdagan ng 50 senti­mos ang minimum na pa­sahe sa pampasaherong jeepney.

Ito ang nabatid kay Pasang Masda President Roberto Martin na nag­sabing inihain na nila kay LTFRB Chairman Alberto Suansing ang isa nilang mosyon para gawing P7.50 mula sa kasalukuyang P7 ang pasahe.

Sinabi ni Martin sa Ba­litaan sa Tinapayan na ginawa nila ang kahilingan dahil sa pagtaas muli ng halaga ng diesel na uma­abot na sa P29.50 hang­gang P31 bawat litro.

Umaasa ang Pasang Masda na mauunawaan ng publiko ang kahilingan na ibalik ang P.50 sentimos pro­visional fare na tinang­gal noong Pebrero nang bumaba sa P24 kada litro ang halaga ng diesel na ka­raniwang ginagamit sa mga jeepney.

Sinabi pa ni Martin na isa pang dahilan ng ka­nilang mosyon ang patuloy na pagtanggi ng mala­laking kumpanya ng langis na buksan ang kanilang mga book of account at ipa-audit.

Samantala, sinabi na­man ni LTFRB Suansing na malamang na sa susunod na buwan pa maitakda ang pagdinig hinggil sa mosyon ng Pasang Masda

CHAIRMAN ALBERTO SUANSING

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

HINILING

LAND TRANS

MASDA

PASANG MASDA

PASANG MASDA PRESIDENT ROBERTO MARTIN

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with