2 patay sa motorsiklo

MANILA, Philippines - Dahil na rin sa pagla­bag sa batas trapiko kaya kapwa nasawi ang dala­wang kalalakihan mata­pos na bumangga sa bangketa ang sinasak­yan nilang motorsiklo dahilan upang tumilapon ang mga mga ito ka­hapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Dead-on-arrival sa Muntinlupa City Medical Center ang mga bikti­mang sina Philip Zalazar at Elde­mar Gabinay, na kapwa nagtamo ng ma­tinding pinsala sa ulo at kani-kanilang katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang in­sidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa kaha­baan ng National Road mula sa south patungong north bound, Brgy. Puta­tan, ng lungsod na ito.

Nabatid na minama­neho ni Zalazar ang isang Yamaha motor­cycle (PN-9618) at naka­angkas sa likod nito si Gabinay.

Habang binabagtas ng mga ito ang nabanggit na lugar ay nakitang nag-counterflow ang mga ito at dahil sa mabilis na pag-arangkada ay bu­mangga sa bangketa hanggang sa kapwa tu­milapon at bu­mag­sak sa semento na naging sanhi ng kanilang kama­ tayan. (Lordeth Bonilla)


Show comments