^

Metro

Giit ng LTFRB, buhok hindi ihi sa drug test

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Iminungkahi ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Alberto Suan­sing na dapat ay buhok sa halip na ihi ang kunin sa mga driver bilang drug test sa pagkuha ng mga ito ng drivers license sa Land Trans­portation Office (LTO).

Ang hakbang ay sinabi ni Suansing makaraang aminin na hindi sapat ang kasalukuyang screening system na ginagawa sa mga driver sa pagkuha ng lisen­siya para matiyak na hindi ito gumagamit ng illegal drugs.

Anya, may kamahalan nga lang ang proseso ng drug test kung buhok ng driver ang kukunin pero mas epektibo ito dahil kahit ilan taon na gumamit ang driver ng illegal drugs, malalaman pa rin ito.

Hindi anya katulad sa ngayon na ihi lamang ang kinukuha sa drug test na kung iinom lamang ng pineapple juice ang isang adik na driver, kapag nagpa­pa-drug test, negatibo ito sa paggamit ng bawal na gamot.

“Para makapasa sa LTO, ang ga­gawin, abstinence ng dalawang linggo, nawawala yan. Kasi ang uri ng test na ginagawa pag nag-abstinence di mate-trace,” dagdag pa ni Suansing.

Binigyang diin ni Suansing na mas mainam na gawin na buhok ang kunin sa drug test para ma­tiyak kung ang isang driver na nasa­­sangkot sa aksi­dente ay gu­ma­mit o gumagamit ng illegal drugs.

ANYA

BINIGYANG

CHAIRMAN ALBERTO SUAN

DRIVER

IMINUNGKAHI

KASI

LAND TRANS

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

SHY

SUANSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with