Sa pagpatay sa trader sa loob ng sasakyan, Suspek natukoy

MANILA, Philippines - Mayroon nang sus­pek ang pulisya sa brutal na pagpatay sa isang ne­gosyante na nakitang laslas ang leeg at basag ang bungo sa loob ng kan­yang sasakyan no­ong Lunes ng umaga sa Valenzuela City.

Tinutugis ngayon ng pulisya ang suspek na si Lucky Galinea, nasa hus­tong gulang at residente ng Malolos, Bulacan.

Magugunita na noong Lunes, alas-9 ng umaga, nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Antonio Tan Jr., ng Ga­las, Quezon City, sa loob mismo ng Toyota Vios nito na nakaparada sa MacArthur Highway, Brgy. Marulas, Va­len­zuela City.

Nabatid na may utang na P70,000 ang suspek sa biktima at magkasama ang mga ito na gumimik sa Bulacan bago makita ang bangkay ng biktima. (Lordeth Bonilla)

Show comments