^

Metro

Sa pagpaslang sa 15-anyos na binatilyo: 2 MPD cop kinasuhan

-

MANILA, Philippines - Ipinagharap ng ka­song murder sa piskalya ang dalawang tauhan ng Ma­nila Police District (MPD) na itinuturong pumatay sa isang 15-anyos na bina­tilyo, noong Mayo 5, 2009, sa Binon­do, Maynila.

Sa transmittal report, sina PO2 Arnel Tubbali, 29, at PO1 Dexter Ar­ciaga, 30, kapwa nakata­laga sa MPD-Station 2, ay sinam­pahan ng rekla­mong mur­der ng NBI sa Manila Pro­secutor’s Of­fice makara­ang mabi­gong sagutin ang mga aku­ sasyong inihain ni Ignacio Hayahay, 55, ama ng na­patay na si Raffy Hayahay, 15, ng Parola Com­­pound, Bi­nondo, Maynila.

Nabatid na dumulog sa NBI ang ama ng biktima upang hindi umano ma-white wash ang imbesti­gasyon kung sa MPD rin ito magsa­sampa ng reklamo.

Idinahilan umano ng 2 suspek na hindi maghain ng affidavit sa NBI dahil sa piskal sila maghahain ng paliwanag.

Sa findings ng NBI-Spe­cial Task Force, ang biktima ay nakita pang nagpapasaklolo sa isang bahay sa Gate 40 da­kong alas-11:30 ng gabi noong Mayo 5 matapos pagba­barilin ng mga pulis.       

Sa hiwalay na impor­masyon, nakita umano ang biktima na binitbit ng 2 pulis   kahit sugatan na sa tama ng bala at naka­posas umano ang mga kamay na nasa likod.

Ilang residente sa lugar ang nagsabi sa dalawang pulis na dalhin sa pagamu­tan ang menor-de-edad ngunit sinabihan umano sila ng dalawa na huwag ma­ki­alam, bago ito isina­kay sa marked vehicle ng police. Nalaman na la­mang umano nila na idi­nekla­rang dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima (Ludy Bermudo)

ARNEL TUBBALI

DEXTER AR

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

IGNACIO HAYAHAY

LUDY BERMUDO

MANILA PRO

MAYNILA

PAROLA COM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with