Tomboy timbog sa pagdukot sa 4-anyos

MANILA, Philippines - Arestado ang isang tomboy nang dukutin at iligaw nito ang isang 4-anyos na batang la­laki dahil naghiganti sa nanay ng biktima na bumasted sa kanya, ayon sa ulat kahapon ng pulisya.

Nahaharap sa ka­song child trafficking si Teresa Garon, 39 ng Villa Luisa North, Ba­gumbong, Caloocan City.

Nabawi naman ni Jaqueline Ramores, 25 ang kanyang anak na si Jerome, 4 maka­raang dukutin ng suspect. 

Nabatid sa report ng pulisya, alas-4 ng hapon noong July 16, 2009 ay biglang nag­laho ang bata sa kanilang lugar.

Hinahanap ito ni Ramores subalit bigo ito hanggang sa mana­wagan at magsadya na ito sa mga presinto para i-report ang pag­kawala ng anak.

August 9, 2009, isang empleyado ng Tahanan Pinoy ng Department of Social Welfare and Development ng Malabon City ang kumontak kay Ra­mores kung sa sina­bing nasa kanilang pa­ngangalaga ang bata. Sinabi ng DSWD na may nagdala sa kanila sa bata matapos itong makitang umiiyak sa Monumento, Caloocan City.

Nang magkita ang mag-ina ay nasabi ng bata ng isinama siya ng suspek sa nasabing lugar at iniwan, sa naging pahayag ng biktima, dinakip ng mga pulis ang nabang­git na suspek.

Nabatid na nanli­ligaw ang suspek kay Ramores subalit binigo ito ng huli na posib­leng ikinasama ng loob ng tomboy kaya naghi­ganti at ang anak ng nililigawan ang pinag­diskitahang dukutin at iligaw.

Show comments