Tomboy timbog sa pagdukot sa 4-anyos
MANILA, Philippines - Arestado ang isang tomboy nang dukutin at iligaw nito ang isang 4-anyos na batang lalaki dahil naghiganti sa nanay ng biktima na bumasted sa kanya, ayon sa ulat kahapon ng pulisya.
Nahaharap sa kasong child trafficking si Teresa Garon, 39 ng Villa Luisa North, Bagumbong, Caloocan City.
Nabawi naman ni Jaqueline Ramores, 25 ang kanyang anak na si Jerome, 4 makaraang dukutin ng suspect.
Nabatid sa report ng pulisya, alas-4 ng hapon noong July 16, 2009 ay biglang naglaho ang bata sa kanilang lugar.
Hinahanap ito ni Ramores subalit bigo ito hanggang sa manawagan at magsadya na ito sa mga presinto para i-report ang pagkawala ng anak.
August 9, 2009, isang empleyado ng Tahanan Pinoy ng Department of Social Welfare and Development ng Malabon City ang kumontak kay Ramores kung sa sinabing nasa kanilang pangangalaga ang bata. Sinabi ng DSWD na may nagdala sa kanila sa bata matapos itong makitang umiiyak sa Monumento, Caloocan City.
Nang magkita ang mag-ina ay nasabi ng bata ng isinama siya ng suspek sa nasabing lugar at iniwan, sa naging pahayag ng biktima, dinakip ng mga pulis ang nabanggit na suspek.
Nabatid na nanliligaw ang suspek kay Ramores subalit binigo ito ng huli na posibleng ikinasama ng loob ng tomboy kaya naghiganti at ang anak ng nililigawan ang pinagdiskitahang dukutin at iligaw.
- Latest
- Trending