^

Metro

3 big-time carnapping group tugis sa Metro Manila

-

MANILA, Philippines - Tatlo pang organisado, armado at mapanganib na carnapping syndicates ang tinutugis ngayon ng PNP- Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Ito ang ibinulgar kahapon kay PNP-HPG Director P/Chief Supt. Orlando Mabutas ma­tapos iprisinta sa mediamen ang mga nakumpiskang luxury cars at sari-saring uri ng chop-chop nitong mga spare parts sa press briefing sa Camp Crame.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ni   PNP Chief Director Ge­neral Jesus Verzosa   ang ma­lawakang manhunt opera­tions laban sa grupo ni Roger Dominguez, alyas Ogie/Enrique Carl Lopez na pina­niniwalaang ring leader ng sindikato.

Ang nasabing mga sa­sakyan na aabot sa 12 ang bilang ay nasamsam ng mga operatiba ng PNP-HPG sa operasyon sa Villa Teresa Subdivision sa Angeles City, Pampanga noong Biyernes at sa operasyon sa Balagtas, Bulacan.

Sa raid sa Angeles City, Pampanga ay nakatakas si Dominguez at tinatayang may 20 nitong tauhan ayon kay Verzosa.

Nasamsam sa lugar ang apat na nakaw na mama­haling behikulo kabilang ang isang Toyota Land Cruiser 2008 Model na nagkaka­halaga ng P4-M, limang rounds ng rifle grenade, pekeng mga plaka ng sa­sakyan, mga susi, personal na mga dokumento ni Do­minguez at ammunition components.

Kasalukuyan nang naki­kipag-ugnayan ang PNP sa Land Transportation Office (LTO) upang alamin kung may kasabwat na tiwaling emple­yado ng ahensya ang sin­dikato ni Dominguez kaya madaling nairerehistro ang mga ninakaw na sasakyan. (Joy Cantos)

ANGELES CITY

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GE

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

DOMINGUEZ

ENRIQUE CARL LOPEZ

HIGHWAY PATROL GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with