MANILA, Philippines - Hindi sinipot kahapon ni beauty doctor Vicki Belo ang pagpapatawag ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa inirereklamong hydrogel butt implant ng negos yanteng si Josefina Norcio.
Ayon sa NBI, dahilan umano nito ay ang pagbibitiw ni Atty. Adel Tamano sa paghawak sa kaso para katawanin si Belo sa reklamong iniharap ni Norcio.
Panibagong mga abogado ang nagtungo sa NBI na kinabibilangan nina Atty. Agnes Marana at Atty. Hans Santos, para sa entry of appearance bilang bagong counsels ni Belo. Hiling daw ng mga ito na bigyan sila ng sapat na panahon para pag-aralan ang kaso.
Sinabi ni Head Agent Ross Bautista, executive officer ng Deputy Director Intelligence Services (DDIS), dapat ay personal na lumutang na si Belo sa susunod na linggo para magpaliwanag.
Mariin namang kinontra ni Atty. Argee Guevarra, abogado ni Norcio ang sinasabi ng kabilang kampo na nagpa-serbisyo pa sa ibang doktor si Norcio sa kanyang butt implant, bukod sa Belo doctors, kung saan nito nakuha ang kaniyang sakit.
Si Belo ay idinidiin na siyang nag-assess kay Norcio bago pa isagawa ang butt implant sa loob ng Belo Medical Group subalit hindi umano nag-abiso sa posibleng side effects ng gagawing at ang website advertisements din nila na nagsasabing permanent filler ang hydrogel kaya ito ang napili.