Kelot tinodas sa riles

MANILA, Philippines - Patay ang isang 34-anyos na lalaki makaraang tadtarin ng bala ng isang hindi pa nakikilalang sa­larin habang nagtutulak siya ng trolley sa riles ng tren kamakalawa ng gabi sa Barangay Alabang, Muntinlupa City.

Agad na nasawi dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Arnaldo Fungo ng Purok 8 Bautista Compound, Alabang.

Bigo naman ang mga otoridad na madakip ang nag-iisang suspek na ma­bilis na tumakas makaraan ang pamamaril. Nahihira­pan rin ang pulisya na ma­kilala ito dahil sa walang gustong makipagtulungan sa mga residente ng natu­rang lugar.

 Ayon kay PO2 Roberto Lanting, imbestigador, nahihirapan silang maki­lala ang suspek dahil maging mga kaanak at asawa ng biktima ay wala ring maibigay na impor­masyon ukol sa posibleng motibo at mga nakaaway ng biktima na maaaring may dahilan para ito pas­langin. (Danilo Garcia)

Show comments