^

Metro

Kusinero bangkay na lumutang sa dagat

-

MANILA, Philippines - Isang 33-anyos na kusinero ng isang pampa­saherong barko ang natagpuang patay na lumulutang sa Manila Bay sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Nabatid na kamakalawa pa ng hapon nawawala ang biktimang si Reil Salagada, may-asawa, stay-in cook ng M/V St. Joseph, na may rutang Bacolod-Manila at vice versa, hanggang sa maiwanan na ito ng biyahe.

Sa ulat ni Det. Paul Dennis Javier ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 9:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa Manila Bay sa Gate 4 ng Negros Navigation sa Pier 2, North Harbor, Tondo.

Sinabi naman ng kapatid ng biktima na si Reniel Salagada na hinahanap ng kaniyang mga kasamahan ang biktima noong Sabado ng hapon, Agosto 8, dahil pabiyahe na ang barko kaya napilitan na lamang na tumulak ang barko na naka-iskedyul umalis alas-6:00 ng gabi patungong Bacolod.

Umaga na ng Linggo namataan ng isang Sundy delos Reyes, construction worker ng Negros Navigation, ang palutang-lutang na bangkay ng biktima at inireport sa pulisya.

Posible umanong nahulog sa dagat nang walang nakakita ang biktima at walang indikasyong sinadyang patayin ito dahil sa kawalan ng sugat o galos.

Gayunman, aalamin pa rin kung may foul play sa pag­papatuloy ng imbestigasyon.

Matatagalan pa umanong makumpleto ang imbesti­gasyon dahil kailangang hintaying bumalik sa Maynila ang barko. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

LUDY BERMUDO

MANILA BAY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NEGROS NAVIGATION

NORTH HARBOR

PAUL DENNIS JAVIER

REIL SALAGADA

RENIEL SALAGADA

V ST. JOSEPH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with