^

Metro

Declogging operations sa Quezon City, pinalakas

-

MANILA, Philippines - Higit pang pinalakas ng Quezon City government ang proyekto nito patungkol sa de­clogging ng drainage system sa lungsod upang maibsan, kung hindi man tuluyang ma­wala ang mga pagbabaha sa ilang lugar dito dahil sa walang puknat na pag-ulan.

Ito ay makaraang atasan ni QC Mayor Feliciano Bel­monte Jr. ang engineering de­partment ng lungsod na i-maxi­mize ang paggamit ng dala­wang bagong biling vacuum sewer jet machines para sa de­clogging opera­tions sa mga baradong man­holes at kanal na puno ng mga basura na siyang ugat ng pagbaha.

Naglaan ang QC govern­ment ng P34.1 million para sa declogging machines kung saan ang isang makina ay may kakayahan na maka­limas ng halos 5 cubic meters ng basura sa isang araw.

Bukod dito, inatasan din ni SB si City Engineering Depart­ment head Engr. Joselito B. Ca­bungcal na maglagay ng dagdag na inlets, desilting ng box culverts, dredging, rip-rapping sa mga creeks at drainage rehabilitation upang maibsan ang pagbaha lalo na sa mga lugar malalapit sa mga ilog. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BUKOD

CITY ENGINEERING DEPART

CRUZ

HIGIT

JOSELITO B

MAYOR FELICIANO BEL

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with