^

Metro

Kelot todas sa mag-utol

-

MANILA, Philippines - Dahilan sa selos, isang lalaki ang nasawi samantalang sugatan naman ang tatlong kaibigan nito matapos silang pagsasaksakin ng magkapatid sa loob ng isang KTV bar ka­­hapon ng madaling-araw sa Malate, Maynila.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila sanhi ng saksak sa katawan ang biktimang si Mark Anthony Balayong, 24, ng Block A-9, Lot 1, Brgy. Luzviminda-1, Dasmariñas, Cavite.

Sugatan naman at naka-confine sa iba’t ibang pagamutan ang mga kaibigan nito na sina Carlito Lamoste, 27; Jimmy Matienzo, 30, at kaanak nitong si Jeffrey Matienzo, 25, kapwa ng Brgy. San Isidro, Makati City.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang magkapatid na suspek na nakilalang sina Rolando Talampas, 27; at Joseal Talampas, 24, miyembro ng Bahala na Gang at kapwa residente ng   San Andres St., Malate, Manila.

Base sa report, nabatid na dakong ala-1:50 ng madaling-araw nang maganap ang in­sidente sa loob ng KTV Wensie na nasa #1320 San Andres St., Malate, Manila.

Nagtungo umano ang apat na biktima, at tatlong iba pang kasamahan, sa naturang KTV bar upang ipagdiwang ang kaarawan ng isang kaibigan at dito nila nakatagpo ang grupo ng mga suspek na nag-iinuman naman sa ka­tabing mesa.

Nagalit umano sa mga biktima ang mga suspek matapos na magselos ang mga ito nang makipagkaibigan sa kanila ang dalawang babaeng kasama ng suspek na si Rolando kaya’t nilapitan nila ang mga ito at pinagsa­saksak.

Nadakip naman ng mga awtoridad ang mga suspek at kaagad na dinala sa himpilan ng pulisya. (Gemma Amargo-Garcia)


vuukle comment

BLOCK A

BRGY

CARLITO LAMOSTE

GEMMA AMARGO-GARCIA

JEFFREY MATIENZO

JIMMY MATIENZO

JOSEAL TALAMPAS

MAKATI CITY

SAN ANDRES ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with