^

Metro

Organ smuggler na mga dayuhan, tugis ng Bureau of Im­migration

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Tinutugis ngayon ng mga tauhan ng Bureau of Im­migration (BI) ang mga dayu­han na sangkot sa sindikato ng “human organ smuggling” sa bansa na nambibiktima ng mahihirap na kababaihan sa mga lalawigan na kanila munang pinakakasalan bago kukumbinsihing ibigay ang kanilang mga kidney.

Inatasan ni BI Commis­sioner Marcelino Libanan ang immigration area offices nito sa Mindanao na makipag-ugna­yan sa lokal na pama­halaan upang madakip ang mga organ smugglers.

Naalarma si Libanan sa mga ulat na marami nang mahihirap na residente sa Mindanao ang nabiktima ng mga nasabing smugglers sa pamamagitan ng paghikayat sa mga ito na ibigay ang ka­nilang mga kidney kapalit ng malaking halaga ng salapi.

Modus operandi umano ng miyembro ng mga sindi­kato na ligawan muna at pa­ka­salan ang mga Pinay at pagkatapos nito ay hihikayatin ang kanilang mga asawa na i-donate ang kanilang organ para umano gamitin sa charity.

Gayunman, sa sandaling mapapayag na mai-donate ang organ ay saka naman ibibenta ng mga ito sa mga mayayamang nanganga­ilangan.

Sinabi ni Libanan na ser­yo­­song paglabag ang naga­gawa ng mga nasabing dayu­han dahil sinasamantala nila ang kahirapan ng mga kaba­baihan sa lalawigan.

Makikipag-ugnayan ang immigration area directors sa iba pang miyembro ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para madakip ang mga organ smugglers at masampahan ng kaso.

Una rito ay ibinunyag ni Cotabato Rep. Emmylou Mendoza ang talamak na operasyon ng human organ smugglers sa Cotabato at mga kalapit na lalawigan.

Ayon kay Mendoza, naka­pambiktima na ang mga na­sabing smugglers ng hang­gang 12 kababaihan sa Cota­bato na binigyan umano ng P200,000 kapalit ng kanilang kidneys.

AYON

BUREAU OF IM

COTABATO REP

EMMYLOU MENDOZA

INTER-AGENCY COUNCIL AGAINST TRAFFICKING

LIBANAN

MARCELINO LIBANAN

MINDANAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with