Abortion pills syndicate sa Quiapo, pinabubuwag ni Lim
MANILA, Philippines - Iniutos kahapon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang pagbuwag sa sindikato ng abortion pills sa paligid ng simbahan ng Quiapo, matapos magpasaklolo si Monsignor Ignacio Clemente. Sa direktiba ni Lim kay Manila Police District-Station 3, paalisin lahat ng nagbebenta ng mga herbal medicines, na pinaniniwalaang nagbebenta rin ng ‘cytotec’ o abortion pills, na dinadayo sa lugar. Ipinamo-monitor na rin ng Alkalde kay C/Insp. Nicolas Pinol, hepe ng Manila City Hall-District Special Police Unit, ang mga vendor sa Quiapo para matunton ang supplier ng cytotec. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending














