^

Metro

Jobless na mister tumungga ng silver cleaner

-

MANILA, Philippines - Dinamdam ng isang 23-anyos na lalaki ang madalas na sermon sa kaniya ng ama dahil sa kawalan ng trabaho, kaya nagpasya na lamang itong magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner sa Tondo, May­nila, kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Hos­pital ang biktimang si Cesar Tamayo Jr., may live-in partner, ng #401-B Int. 34, Perla St., Tondo.

Sa ulat ni Det. Jay Santos ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Aminado ang ama ng biktima na si Cesar Sr., na madalas niyang pagsabihan ang anak na maghanap ng trabaho dahil may sarili na itong pamilya. May ka-live-in at isang anak ang biktima na pinapasan pa umano ng kaniyang ama kaya nahihirapan sila sa pamumuhay.

Nagulat umano siya nang pagdating niya ng bahay ay sinalubong siya ng biktima at sinabihang “Tay, hinding-hindi mo na ako po­problemahin pa” hanggang sa bumagsak ito na bumubula ang bibig.

Halos dalawang oras na sinikap na iligtas ang biktima ng mga manggagamot subalit binawian na ito ng buhay dakong alas-9:30 ng gabi. Nakita sa bulsa ng biktima ang isang bote ng silver cleaner. (Ludy Bermudo)

AMINADO

B INT

BIKTIMA

CESAR SR.

CESAR TAMAYO JR.

GAT ANDRES BONIFACIO HOS

JAY SANTOS

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PERLA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with