Pulis itinumba sa mismong birthday

MANILA, Philippines - Isang pulis ang pinag­ba­­baril at pinatay sa mismong ka­ara­wan nito ng tatlong hindi pa nakikilalang mga suspek ha­bang ang una ay nag-aalmu­sal sa isang karinderya sa Ma­labon City kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa batok, dibdib at ulo si PO3 Edgardo Galamay, 45, na­ka­­­talaga sa Police Community Precinct 3 ng Ma­labon City Police.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga pulis laban sa tatlong hindi pa nakikila­lang mga suspek.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, alas-9:15 ng umaga, mag­papagupit sana ng buhok ang biktima subalit walang bakante kung kaya kumain na lang ito sa ka­lapit na ka­­ rin­derya sa may Kadima, Letre, Brgy. Ton­suya ng lung­­sod na ito.

Nasa kasarapan ng kain ang biktima nang sumulpot ang mga suspek at walang salitang pinagbabaril si Galamay. Matapos ang insi­dente ay tumakas ang mga sus­pek at iniwan na­ka­­bulagta ang biktima.

Nagsasagawa na nang im­bestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing in­sidente.

Show comments