2 pang karnap sa QC naitala

MANILA, Philippines - Sinamantala ng mga carnappers ang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan, matapos na dalawang sasakyan ang tinangay sa magkasunod na insidente sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa Anti-Carnapping Unit ng Quezon City Police, unang kinarnap ang kulay itim na Crosswind ZGM-860) na pag-aari ng isang Edgar Marcelo habang nakaparada sa Gen. Lim st., Heroes Hills Subdivision, Brgy. Sta. Cruz ganap na alas-12 ng madaling-araw.

Ilan lamang oras ang nakakalipas, muling umatake ang naturang grupo at kinarnap naman ang isang Sportivo (ZLN-910) na pag-aari naman ng isang Antonio Tan habang naka­parada sa harap ng kanyang tahanan sa Del Monte, Quezon City. (Ricky Tulipat)

Show comments