^

Metro

2 parak 'tagilid' sa pinaslang na 2 call center agent

-

MANILA, Philippines - Posibleng ipatawag ng Manila Police ang dalawang umano’y pulis na kainuman ng security guard na suspek sa pagpatay sa kan­yang bayaw at lover nito, dahil sa kuwestiyu­nableng pagkawala nito sa lugar matapos ma­ganap ang krimen at kung sino ang may-ari ng baril na ginamit ng suspect sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa.

Sa impormasyon, naka­talaga umano ang isang pulis sa PNP-Camp Crame at ang isa ay sa Mandaluyong Police.

Kabilang sa pinag-aaralan ng pulisya ang M-16 rifle umano na ginamit sa pag­ratrat sa dalawang call center agent at bigla na lamang pagkawala ng dala­wang pulis na kasabay umanong nawala sa lugar nang tumakas na ang suspek na si Noel Saludes alyas ‘Daboy”, 24-anyos, na di­umano’y dating sundalo at kasa­lukuyang secu­rity guard at residente ng Nagtahan, Sta. Mesa.

Nabatid na bago ang pamamaril ng suspect ay nakitang kainuman nito ang dalawang pulis.

Armalite rifle pa ang gi­namit ng suspect sa pag­paslang sa mga biktima at inaalam din kung saan ito galing. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ARMALITE

CAMP CRAME

DABOY

KABILANG

LUDY BERMUDO

MANDALUYONG POLICE

MANILA POLICE

MAYNILA

NOEL SALUDES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with