^

Metro

Call center agent, lover todas sa bayaw

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Tinadtad ng bala na na­ging sanhi ng kanilang kama­tayan ang katawan ng isang call center agent at kalaguyo nito ng bayaw ng una ma­tapos na madatnan na mag­kasama sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa Sam­paloc, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot sina Kim Gerald Panganiban, 24, may live-in partner, residente ng 1542 Duhat St., Nagtahan, Sta. Mesa, Maynila at Analyn Enriquez, isa ring call center agent ng Baguio City, dahil sa mga tinamong bala sa ka­tawan.

Tinutugis ng pulisya ang suspek na kinilalang si Noel Saludes, alyas “Daboy”, 24, security guard, bayaw ni Panganiban, na tumakas ma­tapos ang insidente.

Sa imbestigasyon ni Det. Edgardo Ko ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ni Panganiban.

Nabatid na dalawang linggo pa lamang na magka­hiwalay dahil sa pag-aaway si Panganiban at live-in partner nitong si Weny Saludes, ka­patid ng suspek, at may dalawang anak.

Dahil nakikitira ang sus­pek, naiwan siya sa bahay ni Panganiban kahit umuwi sa Cavite ang kaniyang kapatid at dalawang pamangkin.

Kahapon ng madaling araw, nang umuwi umano ang suspek sa bahay ni Pangani­ban matapos ang pakikipag-inuman sa mga kaibigan, na­datnan niya ang bayaw at ang kalaguyo nito na magka­samang natutulog.

Bago ang insidente, na­batid na nakita pa ng ilang re­sidente na nakikipag-inuman ang suspek dakong ala-1 ng madaling-araw sa kaibigang sina Patrick Andrei Ilagan at Noel Veri, sa tapat ng ka­nilang bahay.

Natapos ang inuman da­kong alas-3:30 ng madaling- araw at nang pumasok na sa kanilang bahay ang suspek, ilang minuto ang lumipas at nakarinig umano ng sunud-sunod na putok ang mga kapit­bahay at maya-maya ay nakita ring nagmamadaling lumabas ang suspek.

Nang makasalubong pa umano ng suspek si barangay kagawad Allan Birosel, sinabi pa nito na may nangyaring barilan sa loob ng kanilang bahay. Nang imbestigahan, nakita ang limang tama ng bala sa katawan ni Panga­niban ha­bang anim na bala kay Enri­quez na tumapos sa kanilang buhay.

Narekober ang susi ng suspect na ginamit sa door knob umano ng bahay ni Pa­nganiban at wala ring na­kitang nagulo sa bahay, indi­kasyong walang naganap na pambubuno o pagnanakaw.

vuukle comment

ALLAN BIROSEL

ANALYN ENRIQUEZ

BAGUIO CITY

BAHAY

DUHAT ST.

EDGARDO KO

KIM GERALD PANGANIBAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PANGANIBAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with