^

Metro

2 holdaper bulagta sa Del Pan

-

MANILA, Philippines - Dalawang pinaniniwalaang holdaper ang napatay nang makipagbarilan sa pulis sa Intramuros, May­nila, ayon sa ulat kahapon.

Sa inilabas na report, bina­wian ng buhay habang gina­gamot sa Ospital ng Maynila si Rogelio Barquin Jr., 27, ng 2nd Street Port Area, Maynila at ma­kalipas ang ilang oras ay su­munod na nalagutan ng hininga ang isa pang suspek na si Anthony Nino, 27, ng Brgy. 38 Kapitagan St., Tondo sanhi ng mga tama ng bala mula sa baril umano ni SPO4 Rolando Al­berto, 42, nakatalaga sa Manila Police District (MPD)-Traffic Enforcement Unit (TEU).

Ayon kay Det. Steve Casi­miro ng MPD-Homicide Sec­tion, dakong ala-1 kamaka­lawa ng hapon nang maganap ang insidente sa tulay ng Del Pan, Maynila, habang abala ang lahat sa pagsalubong sa funeral procession at paglilipat sa mga labi ni   dating Pangulong Cora­zon Aquino sa Manila Cathedral.

Pormal namang nakapag­hain ng kaso ang biktima ng hol­dap na si Joselino Tirol Jr., na na­tangayan ng pera at alahas ng mga suspek.

Nabatid na habang nagla­lakad si Tirol hila-hila paakyat ng Del Pan Bridge ang kanyang bisikleta na naglalaman ng mga pinamiling gulay sa Divisoria nang lapitan at tutukan ng mga suspek na armado ng baril at patalim. Natangay ang kanyang alahas at pera bago tumakas ang dalawang suspek nang ma­mataan ni Tirol ang traffic pulis na si Alberto at idinulog ang na­ganap na panghoholdap.

Agad umanong tinugis ang papatakas na mga suspek na hindi pa nakalalayo. Sa halip na sumuko ay pinaputukan pa ng mga suspect ang pulis na gu­manti naman ng putok at ti­namaan ang mga suspect. (Ludy Bermudo)

ANTHONY NINO

DEL PAN

DEL PAN BRIDGE

HOMICIDE SEC

JOSELINO TIROL JR.

KAPITAGAN ST.

LUDY BERMUDO

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with