^

Metro

Ipinosas sa riles ng tren: TODA prexy pinarusahan ng NPA

-

MANILA, Philippines - Bineberipika ngayon ng Mun­tinlupa City Police ang ulat ng pagsalakay umano ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at pagpaparusa sa isang pangulo ng isang “tricycle operators and drivers asso­ciation (TODA)” na ipinosas sa riles ng tren dahil umano sa mga sumbong ng katiwalian at pang-aabuso nito.

Nagtamo rin ng sugat sa ulo makaraang paluin ng baril ang biktimang si Sammuel Lizardo, 45, pangulo ng Alabang Tri­cycle-Drivers-Operators Asso­ciation at residente ng Phase 6 Alabang, Muntinlupa.

Sa ulat ng Muntinlupa po­lice, naganap ang pagsalakay ng mga nagpakilalang miyem­bro ng Alex Boncayao Brigade (ABB) dakong alas-10 kamaka­lawa ng umaga sa may Mon­tillano St., sa Phase 6 Alabang. 

Nakatayo umano ang bik­tima nang biglang paluin sa ulo ng baril ng mga suspek at ka­ladkarin patungo sa riles ng tren kung saan dito siya ipinosas.

Namahagi naman ng mga su­bersibong dokumento ang mga umano’y makakaliwang rebelde at ipinahayag na pina­tawan nila ng mababang parusa si Lizardo dahil sa mga ka­salanan umano nito tulad ng pananakot at pagsasamantala sa mga maliliit na tricycle driver sa pama­magitan ng paghingi ng donas­yon nang hindi ipinapa­liwanag kung saan napupunta ang malaking halaga ng perang nakokolekta.

Nakasaad pa sa kalatas na may ilang pulitiko ang nasa likod ng illegal na aktibidad ni Lizardo na nilagdaan ng isang Carlito Manawag.

Wala namang naabutan ang mga tauhan ng Police Com­munity Precinct 2 nang rumes­ponde sa lugar ma­karaang ma­katakas na ang mga salarin. 

Dito na pinaka­walan si Lizardo bago ito isinu­god sa ospital ng Muntinlupa. (Danilo Garcia)


vuukle comment

ALABANG

ALABANG TRI

ALEX BONCAYAO BRIGADE

CARLITO MANAWAG

CITY POLICE

DANILO GARCIA

LIZARDO

MUNTINLUPA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with