^

Metro

6-anyos dinugo sa daliri ng ex-convict

-

MANILA, Philippines - Dinugo ang kase­lanan ng isang anim na taong gulang na batang babae nang kandungin at daliriin umano ng isang 49-anyos na da­ting bi­langgo sa Tondo, May­nila, sa ulat kaha­pon.

Nadakip naman at ikinulong ng pulisya ang sus­pek na si Antonio Su­layban, residente ng Int. A Dagupan Extn., Ga­­galangin, Tondo mata­pos pormal na ireklamo ng labanderang ina ng bik­tima na hindi ibi­nunyag ang pangalan at resi­dente ng District 2 sa naturang lunsod.

Sa ulat ni SPO1 Ju­zemar Feleo ng MPD-Women and Children Concern Division, da­kong alas-12:30 ng hapon nang arestuhin ng mga barangay official at tanod ang suspek ha­bang naglalakad sa J. Planas Extn., Gaga­langin.

Nadiskubre lamang ang krimen nang pali­guan umano ng ina ang biktima at habang sina­sabi ang nangyari rito ay pumalag at umaray ang biktima. Nang alamin ay na­kitang nagdurugo ang ari nito kaya hini­mok na magkwento kung bakit ito nasu­gatan.

Sa salaysay ng bik­timang itinago sa panga­lang “Ineng”, grade 1 sa isang public school sa Tondo, inutu­san siya ng kanyang nanay na bumili sa tin­dahan dakonga alas-2:00 ng hapon ka­maka­lawa nang tawagin siya ng suspek at kinan­dong umano at ipinasok ang daliri umano ng suspek sa kaniyang ari.

Bukod pa rito, sinabi rin ng biktima na una na rin umano siyang kina­kandong ng suspek at hinihipo at dinadaliri sa kaniyang kaselanan sa hindi matandaang petsa.

Nabatid na labas-masok na sa Manila City Jail ang suspek at pina­kahuli ang paglaya nito noong 2008 kaug­nay sa paggamit ng iligal na droga.

Kilala umano sa lugar na adik sa shabu ang suspek at nilayasan na ito ng kaniyang asawa.

Nakapiit na sa MPD-WCCD ang suspek ha­bang hinihinaty pa ang medico legal certificate sa pagsusuri sa ari ng biktima. (Ludy Bermudo)

A DAGUPAN EXTN

ANTONIO SU

BUKOD

DINUGO

LUDY BERMUDO

MANILA CITY JAIL

PLANAS EXTN

SHY

SUSPEK

WOMEN AND CHILDREN CONCERN DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with