2 sa Bolt-Cutter gang napatay sa enkuwentro

MANILA, Philippines - Dalawa sa apat na miyembro ng kilabot na bolt cutter gang ang napatay nang makipag­barilan sila sa pulisya makaraang looban nila ang isang computer shop sa Barangay Tan­dang Sora, Quezon City kaha­ pon ng ma­daling-araw.

Tinutukoy pa ng pulisya habang sinu­sulat ito ang pangalan at pagkatao ng napatay na mga magnanakaw at maging ng mga kasa­mahan ng mga ito na nakatakas.

Naganap ang sagu­paan sa Tandang Sora Avenue malapit sa Ro­que Drive sa naturang barangay.

Nauna rito, pinasok ng mga suspek ang computer shop na nasa 18 San Isidro St. sa na­tu­rang barangay at pag-aari ni Augusto Cabana, 42.

Winasak ng mga suspek ang mga kan­dado ng shop sa pama­magitan ng bolt cutter bago pumasok at tina­ngay ang mga computer dito.

Pero natunugan ng Quezon City Police District ang nakawan pero nakipagbarilan ang mga suspek nang ma­harang sila ng pulisya sa labas.

Napatay ang da­lawa sa mga magnana­kaw pero nakatakas ang iba pang suspek na nang-agaw ng isang taxi.

Lumilitaw din sa pag­sisiyasat na nag­tamo ng maraming tama ng bala sa kani­lang mga kata­wan ang mga napatay na bik­tima na siyang sanhi ng agarang pag­ka­matay ng mga ito. (Ricky Tulipat)

Show comments