Patuloy na nagbabanta sa Hilagang Luzon

MANILA, Philippines - Patuloy na  nagbabanta ang bagyong Jolina sa Hilagang Luzon. Bunsod nito, sinabi ng Philippine Atmospheric Geo­phy­ sical and Astronomical Services Administration (PAGASA)  na nakataas ang signal number 2 sa lalawigan ng Aurora, Isabela at Cagayan. Habang nakataas naman ang signal number 1 sa mga lalawigan ng Northern Quezon, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Zambales, Pampanga, Pangasinan, La Union, Abra, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, Mountain Province, Kalinga, Apayao, Ilocos Sur, Ilocos Norte at Batanes Group of Island. Ayon sa  Pagasa, dakong alas-10 ng umaga kahapon nang mamataan si Jolina sa layong 200 kilometro (km) ng Silangan-Hilagang-Silangan ng Casiguran, Aurora at 240 km ng Silangan-Timog-Silangan ng Tuguegarao, Cagayan. Taglay ni Jolina ang lakas ng hanging 75 km bawat oras (kph) malapit sa gitna at may pagbugso hanggang  90 kph. Ngayong Linggo, si Jolina  ay inaasahang  nasa 80 km ng Katimugang Kanluran ng Laoag City at 560 km ng Kanluran-Hilagang-Kanlu­ran ng Laoag City sa Lunes ng  umaga. Kaugnay nito, sa kabila ng patuloy na pagbabanta ng bagyong Jolina  sa Hilagang Luzon, isa na namang Low Pressure Area (LPA) ang nama­taan sa layong  630 km ng Silangan ng Casiguran Aurora. Bunga nito, nagbabala ang Pagasa  sa mga naninirahan sa mga mabababang  lugar  sa  gilid ng bundok  dahil sa  posibleng banta ng  flashfloods at landslide. (Angie dela Cruz)


Show comments