^

Metro

Mekaniko tinodas sa lamayan

-

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 44-anyos na mekaniko matapos nitong balikan ang kanyang taya sa sugal sa isang lamayan kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Dead-on-the-spot sa lugar ng insidente sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at  katawan ang biktimang si Fernando Fuentes, ng Gate 10 Area B, Parola compound Tondo ng naturang lungsod.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek na nakilala lamang sa mga alyas na Rommel, Larius at Jonjon na mabilis na tumakas matapos ang insidente. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa isang lamayan sa Gate 10, Area B, Parola compound, Tondo.

Bago maganap ang insidente, naglalaro  umano ng baraha ang biktima at iba pang kalalakihan sa lamay ng kanilang kapitbahay nang lumitaw ang mga suspek na armado ng   baril at niratrat ang mga naglalaro ng sugal.

Nagkanya-kanya ng takbo ang grupo ng mga nagsusugal subalit makalipas ng ilang minuto ay bumalik ang biktima upang kunin nito ang kanyang perang naiwan sa lamesa.

Lingid sa kaalaman ng biktima ay naroon pa rin ang mga suspek at muling pinaputukan sa ulo ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. (Gemma Amargo-Garcia)


AREA B

FERNANDO FUENTES

GEMMA AMARGO-GARCIA

JONJON

LARIUS

LINGID

MAYNILA

PAROLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with