^

Metro

2 great presidents kinilala

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Kinilala ng Quezon City government ang mga na­gawa ng dalawang naging Pangulo ng bansa, sina dating Pangulong Manuel Luis Quezon at dating Pa­ngulong Corazon Aquino na parehong yumao sa petsang Agosto 1.

Kahapon, sa Quezon City Memorial Circle, pina­ngunahan ni QC Mayor Feliciano “SB” Belmonte at Vice Mayor Herbert Bau­tista ang ika-65 death anniversary ni Quezon. Ha­bang kahapon din (Agosto 1) nang sumakabilang buhay dakong alas-3:18 ng madaling-araw si da­ting Pa­ngulong Corazon Aquino sa Makati Medical Center.

Sa okasyon, kinilala nina Belmonte at Bautista ang magandang nagawa sa bansa sa dalawang naging Pangulo na kapwa naging daan sa pagtatamo ng kalayaan at demo­krasya sa bansa.

Nakiisa sa okasyon ang apo ni Quezon na si  Ricky Quezon-Avanceña at nag­sabi rin na ang dalawang lider ng bansa ay pawang nagbigay ng kanilang ma­tinding pagmamahal sa bayan at pamilya.

Kasabay din nito, nag­pa­hatid din ng pakikiramay ang pamahalaang lungsod ng Quezon sa pamilya Aquino sa pagyao ng dating Pangulo.

Kasama din sa naturang okasyon ang mga konsehal   at pulisya sa lungsod.


vuukle comment

AGOSTO

BELMONTE

CORAZON AQUINO

MAKATI MEDICAL CENTER

MAYOR FELICIANO

PANGULO

PANGULONG MANUEL LUIS QUEZON

QUEZON

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with