^

Metro

Hold De­par­ ture Order vs Ricky Recto, inilabas ng Bureau of Immigration

-

MANILA, Philippines - Inilagay na sa Hold De­par­ ture Order (HDO) ng Bureau of Immigration si dating Ba­tangas Vice-Governor Ricky Recto.

Ayon kay BI Associate Com­missioner Roy Almoro, ang pag­papalabas ng HDO laban kay Recto ay bunsod sa kahi­lingan ni Atty. Ferdinand Topacio ang abogado ni dating Ba­tangas Governor Armando Sanchez.

Si Recto ay pinagha­hanap sa kaso ng pagpapa­sabog sa sasakyan ni  Sanchez kung saan naglaan pa ito  ng P1 mil­yon reward para sa sinu­mang makapagbibigay ng impormas­yon sa kinaroroonan ni Recto.

Inalerto na rin aniya ang mga immigration officers sa lahat ng Paliparan sa bansa para bantayan si Recto at huwag itong mapayagang basta-basta makapagbiyahe.Si Recto ay mayroong standing warrant of arrest sa kasong murder at frustrated murder.

Maliban kay Recto, kasama ring kinasuhan ang abogadong si Christopher Belmonte at ilang hindi pa nakikilalang salarin. Sangkot umano sina Recto sa pagpapasabog sa sasakyan ni Sanchez noong June 1, 2006, na ikinasugat ng dating Gober­nador at ikinasawi naman ng dalawang security escorts nito.

Walang piyansang inireko­menda ang Batangas City Regional Trial Court para sa paglaya ng mga aku­sado. (Gemma Amargo-Garcia) 

ASSOCIATE COM

BATANGAS CITY REGIONAL TRIAL COURT

BUREAU OF IMMIGRATION

CHRISTOPHER BELMONTE

FERDINAND TOPACIO

GEMMA AMARGO-GARCIA

GOVERNOR ARMANDO SANCHEZ

HOLD DE

RECTO

SHY

SI RECTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with