^

Metro

2,000 kilo ng botcha nakumpiska

-

MANILA, Philippines - Saku-sakong mga “double dead” na karne ng kabayo at baboy na umaabot sa mahigit 2,OOO kilo ang nasamsam ng pulisya, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City. Batay sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-4 ng madaling-araw nang masabat ang naturang mga “hot meat” na pawang naka­silid sa 14 na sako sa Virata St., Maricaban, nabanggit na lungsod. Arestado naman ang isang William Clet Virtusio na siyang may dala ng naturang mga “double dead” na karne.

Nabatid na nagbunga ang positibong operasyon ng pulisya matapos na makatanggap ng impormasiyon ang mga ito hinggil sa iligal na pagpapakalat ng naturang mga karne na itinitinda sa Pasay City Public Market. Ayon naman sa Pasay City Veterinarian Office, wala rin umanong kaukulang ‘meat inspection certificate’ ang nasabing mga karne. Agad namang dinala sa crocodile farm sa Roxas Boulevard ang naturang mga naturang ‘hot meat’ upang gawing pagkain ng mga buwaya doon. (Rose Tamayo-Tesoro)

ARESTADO

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY PUBLIC MARKET

PASAY CITY VETERINARIAN OFFICE

ROSE TAMAYO-TESORO

ROXAS BOULEVARD

VIRATA ST.

WILLIAM CLET VIRTUSIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with