^

Metro

Sanggol hinostage ng na-praning na mister

-

MANILA, Philippines - Dahil sa pag-aakalang hinahabol siya ng mga kala­lakihan para patayin, isang 34 anyos na mister ang nanghablot ng isang taon-gulang na batang babae na karga ng kanyang ina para gawing hostage gamit ang kutsilyo sa lungsod ng Quezon kahapon ng hapon.

Matapos ang halos isa’t kalahating oras na hostage drama, nagawang mapasuko ng mga barangay tanod ng Roxas District ang suspek na si Leonardo Siapno, residente ng Lantano St., Cubao.

 Sa ulat, pasado alas -2:15 ng hapon nang ihostage ng suspek ang batang itinago sa pangalang Marie na nanini­rahan sa Jasmin St., Roxas District sa naturang lungsod.

Bago ito, kasalukuyang karga ng kanyang ina ang bata at nakatayo sa harap ng kanilang bahay nang biglang pumasok ang suspek sa gate at inagaw ang bata.

 Nang maagaw ay agad na itinakbo ng suspek papasok sa loob ng bahay ang bata saka dumiretso sa kubeta kung saan dito sinimulang ihostage ito gamit ang patalim.

Agad namang humingi ng tulong ang ina ng bata sa mga barangay official sa lugar na agad namang rumisponde at sini­mulang kausapin ang suspek.

 Ayon kay Teofilo Bantay, barangay tanod, sumuko la­mang ang suspek nang ma­sinsinan nilang kausapin ito na walang sinumang magtatang­kang ma­nakit sa kanya. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYON

CUBAO

DAHIL

JASMIN ST.

LANTANO ST.

LEONARDO SIAPNO

RICKY TULIPAT

ROXAS DISTRICT

SHY

TEOFILO BANTAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with