^

Metro

Estate broker natagpuang naaagnas

-

MANILA, Philippines - Palaisipan ngayon sa mga awtoridad ang pagkamatay ng isang 59-anyos na estate broker makaraang matagpuan ang naaagnas nang bangkay nito sa loob ng kanyang inuupahang condominium unit, kamakalawa ng hapon sa Ortigas Center, Pasig City.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Paulino Maglalang,    naninirahan sa Unit 2309 ng Corinthian Executive Regency sa panulukan ng Ortigas Avenue at Sapphire Road, Ortigas Center, Brgy. San Antonio, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng investigation division ng Pasig police, dakong alas-2 kamakalawa ng hapon nang madiskubre ng security guard na si Rexcel Materiales ang bangkay ng biktima. Nabatid na nagpa­patrulya ito sa gusali nang malanghap ang masangsang na amoy na nagmumula sa loob ng unit ni Maglalang.

Wala namang sumasagot sa loob ng kuwarto nang katukin ni Materiales kaya napilitan itong puwersahang buksan ang pinto. Dito nadiskubre ng mga security guard ang bangkay ni Maglalang na naaagnas na sa ibabaw ng kama at nakasuot lamang ng brief.

Dahil sa naaagnas na, hindi na madetermina ng Pasig police ang sanhi ng kamatayan nito. Isinasailalim na ang bangkay sa awtopsiya sa PNP Crime Lab upang mabatid ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

CORINTHIAN EXECUTIVE REGENCY

CRIME LAB

DANILO GARCIA

MAGLALANG

ORTIGAS AVENUE

ORTIGAS CENTER

PASIG

PASIG CITY

PAULINO MAGLALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with