Miyembro ng 'Sibuyas Gang' niratrat, patay

MANILA, Philippines - Isang lalaki na umano’y miyembro ng kilabot na “Sibuyas Gang” na sangkot sa robbery/hold-up ang nasawi matapos na tadtarin ng bala ng di-nakikilalang salarin sa lungsod Quezon kahapon ng umaga. Nakilala ang biktima na si Joel Haplos, ng Katipunan St., Brgy. Com­monwealth, Quezon City. Si Haplos ay hindi na uma­bot ng buhay sa pagamutan dahil sa mga tama ng bala ng hindi pa mabatid na ka­libre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sa imbestigasyon, nangyari ang in­sidente sa may Kalayaan Ext., kanto ng IBP road, Batasan Hills sa naturang lung­sod ganap na alas-10:45 ng umaga. Ayon sa mga residente, nakarinig na lamang umano sila ng sunud-sunod na putok ng baril sa na­sabing lugar at nang kanilang tignan ay bumulaga sa kanila ang walang buhay na   biktima. (Ricky Tulipat)

Show comments